Noong Hulyo 30–31, 2026, matagumpay na isinagawa ang Project INKlusive sa Carmona City Penthouse, Carmona City Hall sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) at Public Employment Service Office (PESO) Carmona.
Nilahukan ito ng mga Industrial Estate Administrators, Human Resource Managers, Safety Officers, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga napapanahong polisiya, regulatory requirements, at workplace best practices.
Tinalakay sa programa ang mahahalagang paksa ukol sa workplace safety, mental health, accessibility, inclusivity, Ease of Doing Business, at iba pang compliance-related initiatives na naglalayong makatulong sa pagbuo ng mas ligtas, inklusibo, at responsableng workplace environment sa Lungsod ng Carmona.
Sa pamamagitan ng Project INKlusive, patuloy na pinagtitibay ng LEDIPO at PESO Carmona ang pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at pribadong sektor upang suportahan ang mga negosyo at itaguyod ang isang mas maayos at makataong mundo ng paggawa.
