Pinangunahan po natin ang launching and ceremonial vaccination ng LIGTAS TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR-SIA VAS) kasama si Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang Office of the City Health Officer.
Isinagawa ang aktibidad kasama ang mga LGU officials, barangay officials, HOA representatives, mga magulang at guardians ng mga batang eligible na mabakunahan, Office of the City Health Officer (OCHO) staff, at mga kinatawan mula sa Provincial Department of Health Office at Provincial Health Office of Cavite.
Nakasama din po natin si Ms. Ludette Lontoc-Abreo, Development Management Officer IV mula sa PDOHO Cavite na nagbigay ng kanyang mensahe ng pagsuporta, at ang Ceremonial Vaccination, kung saan binakunahan ang mga eligible na batang nasa 6โ59 months at binigyan ng Vitamin A supplementation.
Sinundan ito ng LIGTAS TIGDAS Orientation na pinangunahan ni Ms. Barbie Calisaan, Health Education and Promotion Officer I ng Provincial Health Office of Cavite, upang higit na maunawaan ng mga dumalo ang kahalagahan ng measles-rubella immunization at Vitamin A supplementation.
Bilang pagtatapos, isinagawa ang Pledge of Commitment, kung saan ipinakita namin ang aming suporta sa LIGTAS TIGDAS at pangako na makikiisa sa paghahatid at pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa programa.
Samahan niyo po akong ipalaganap ang tamang impormasyon. Mahalaga ang ating pakikiisa upang mas maraming magulang ang maabot, mas maraming bata ang maprotektahan, at mas mapalakas ang proteksyon at kalusugan ng bawat batang Treceรฑo.
