Ipinakita ng El Gobernador Band at United Musicians of Bacoor ang husay ng musikang Pilipino matapos kumatawan sa Bacoor at bansa sa prestihiyosong Bandafolieβs Festival sa Bessines-sur-Gartempe, France.
Bilang kinikilalang Marching Band Capital of the Philippines, muling pinatunayan ng Bacoor ang mayamang tradisyon nito sa marching band music at ang talento ng mga lokal na musikero.
Ipinahayag din ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang pagmamalaki sa delegasyon, na aniya ay simbolo ng dedikasyon, disiplina, at world-class na talento ng mga BacooreΓ±o.
Sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal, naipakilala ng grupo ang kultura at sining ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
