Pormal nang isinailalim ang pangangalaga ng Imus Retarding Basinโisang proyekto para maiwasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa Ilog ng Imus na pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Japan International Cooperation Agency (JICA)โsa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite at sa Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Lunes, Setyembre 1, 2026, na matatagpuan sa Palanas Road, Brgy. Anabu 1-G, Lungsod ng Imus, Cavite.
Nanguna sa turnover ceremony sina DPWH Secretary Vince Dizon at JICA Philippines Chief Representative Baba Takashi, kasama sina Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla, Cavite Governor Abeng Remulla, Cavite Vice Governor Ram Revilla, at Imus City Mayor Alex โAAโ L. Advincula.
Ang nasabing 35-ektaryang pasilidad ay pinondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance ng Gobyerno ng Japan. Magkasamang isinagawa ng DPWH at JICA ang konstruksyon ng proyekto na natapos noong 2022.
Kasama sa Imus Retarding Basin ang 84 na metrong overflow dike na may taas na tatlong metro, 1.3 kilometrong surrounding dike at 1.1 kilometrong separating dike. Tinatayang dalawang milyong cubic meters ng lupa ang hinukay ng DPWH upang maabot ang pitong metrong lalim sa loob ng 35-ektaryang lawak ng pasilidad.
Ang Imus Retarding Basin ay magsisilbing pansamantalang imbakan ng sobrang tubig-ulan upang maiwasan ang biglaanag pagbaha sa mabababang lugar, lalo na sa paligid ng Imus River.
Maaari ding magamit bilang lugar-pasyalan ang naturang lugar kapag maganda ang panahon.
