Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng Universal Health Care (UHC), sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa ang YAKAP na Handog ng Pangulo noong Setyembre 14, 2026 na may temang โSerbisyong Pangkalusugan, Proteksiyong Pangkalahatanโ katuwang ang iba’t ibang national at lokal na ahensya tulad ng DILG, PSA, mga Local Government Units (LGUs), DepEd, media partners, at mga piling accredited PhilHealth YAKAP at GAMOT providers.
Sa pamamagitan ng YAKAP na Handog ng Pangulo, higit na pinatitibay ng pamahalaan ang pangakong maghatid ng dekalidad, abot-kaya, at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino upang masiguro na bawat pamilyang Pilipino ay malayo sa sakit.
Bilang bahagi ng implementasyon nito, bawat lalawigan ay inatasang magsagawa ng tig-isang school-based at community-based activity upang mas maraming mamamayan ang mabigyan ng sapat na impormasyon at mas mapalawak ang kanilang akses sa mga serbisyong pangkalusugan.
Nakatakda ang aktibidad sa pamamagitan sa siyam na piling lugar sa rehiyon:
LAGUNA
Alonte Sports Arena โ Biรฑan, Laguna
Pedro Guevara Memorial National High School โ Santa Cruz, Laguna
CAVITE
Greenbreeze EIementary School โ Dasmariรฑas, Cavite
New Provincial Government Center โ Trece Martires City, Cavite
Kanggahan Elementary School โ Trece Martires City, Cavite
Tagaytay City Velodrome โ Tagaytay City, Cavite
QUEZON
Philippine Normal University South Luzon โ Lopez, Quezon
Quezon Convention Center โ Lucena City, Quezon
Lucena East 7 Elementary School โ Lucena City, Quezon
Bahagi ng aktibidad ang pagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa PhilHealth YAKAP at Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) benefit. Kabilang dito ang impormasyon hinggil sa pag-access ng primary healthcare services, regular na pagpapakonsulta sa mga accredited primary care providers, at availability ng outpatient medicines para sa mas maagap at tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan.
