YAKAP na Handog ng Pangulo: Kalingang Nararamdaman, Kalusugang Maaasahan

Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng Universal Health Care (UHC), sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa ang YAKAP na Handog ng Pangulo noong Setyembre 14, 2026 na may temang โ€œSerbisyong Pangkalusugan, Proteksiyong Pangkalahatanโ€ katuwang ang iba’t ibang national at lokal na ahensya tulad ng DILG, PSA, mga Local Government Units (LGUs), DepEd, media partners, at mga piling accredited PhilHealth YAKAP at GAMOT providers.

Sa pamamagitan ng YAKAP na Handog ng Pangulo, higit na pinatitibay ng pamahalaan ang pangakong maghatid ng dekalidad, abot-kaya, at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino upang masiguro na bawat pamilyang Pilipino ay malayo sa sakit.

Bilang bahagi ng implementasyon nito, bawat lalawigan ay inatasang magsagawa ng tig-isang school-based at community-based activity upang mas maraming mamamayan ang mabigyan ng sapat na impormasyon at mas mapalawak ang kanilang akses sa mga serbisyong pangkalusugan.

Nakatakda ang aktibidad sa pamamagitan sa siyam na piling lugar sa rehiyon:

LAGUNA

๐Ÿ“ Alonte Sports Arena โ€“ Biรฑan, Laguna

๐Ÿ“ Pedro Guevara Memorial National High School โ€“ Santa Cruz, Laguna

CAVITE

๐Ÿ“ Greenbreeze EIementary School โ€“ Dasmariรฑas, Cavite

๐Ÿ“ New Provincial Government Center โ€“ Trece Martires City, Cavite

๐Ÿ“ Kanggahan Elementary School โ€“ Trece Martires City, Cavite

๐Ÿ“ Tagaytay City Velodrome โ€“ Tagaytay City, Cavite

QUEZON

๐Ÿ“ Philippine Normal University South Luzon โ€“ Lopez, Quezon

๐Ÿ“ Quezon Convention Center โ€“ Lucena City, Quezon

๐Ÿ“ Lucena East 7 Elementary School โ€“ Lucena City, Quezon

Bahagi ng aktibidad ang pagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa PhilHealth YAKAP at Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) benefit. Kabilang dito ang impormasyon hinggil sa pag-access ng primary healthcare services, regular na pagpapakonsulta sa mga accredited primary care providers, at availability ng outpatient medicines para sa mas maagap at tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *