Ligtas Tigdas Vaccination City of Bacoor 2026 Information Drive

Matagumpay nating idinaos ang Ligtas Tigdas Vaccination Information Drive dito sa ating Lungsod sa pangunguna ng ating City Health Services Department na pinangungunahan ni Dr. Ivy Marie Yrastorza , sa pakikipagtulungan ng ating mga barangay at ibaโ€™t ibang community groups.

Dinaluhan at sinuportahan ang mahalagang gawaing ito nina Mayor Strike Revilla, Board Member Alde Pagulayan, Councilor Rey Palabrica, Councilor Noly Galvez, Councilor Udoy Brillantes, Councilor Levy Tela, SK President- Councilor Palm Buncio, OCHS Head Dr. Ivy Marie Yrastorza, Dr. Ma. Cristina Alberto ng Philippine Pediatric Society, at Undersecretary Eric Tayag. Nakiisa rin sa programa ang mga kinatawan mula sa United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC) at ang ating Cavite Cluster Head.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naghatid ng mahahalagang kaalaman at paalala ang ating mga eksperto sa kalusugan hinggil sa kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa tigdas upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga kabataan. Nagkaroon din ng oryentasyon para sa mga community leaders at barangay health workers upang higit pang mapalawak ang tamang impormasyon sa bawat pamilya at komunidad.

Maraming salamat sa ating City Health Services Department, mga health leaders, barangay officials, community groups, at health workers sa kanilang patuloy na pakikiisa. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at iba pang nakahahawang sakit.

#AtYourSerVICE๐Ÿงก๐Ÿซฐ

#StrikeAsOne

#SaBacoorAtHomeKaDito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *