Patuloy ang pamahalaang lungsod ng
Tagaytay sa pamamahagi ng libreng mental
health medicines para
sa kanilang mga kababayan.
Kabilang dito ang
Olanzapine, Fluphentixol, Biperiden HCl,
Fluphenazine, Quetiapine, Ecsitalopram,
Valporic Acid, Cozapine,
at marami pang iba.
Kinakilangan lamang dalhin ang riseta
ng gamot at maintenance card mula sa Barangay Health Center.
Ipinaalala naman
ng City Health Office sa
mga nais mag-avail ng
nasabing serbisyo na inumin ang gamot alinsunod sa payo ng kanilang
doktor. Huwag ring itigil
ang pag-inom ng gamot
nang walang payo ng
doktor at ugaliing kumuha ng gamot kada
buwan bago maubos
ang gamot.
Bagamat libre ang
mental health medicines mula sa pamahalaang lungsod, mahigpit ring ipinapaalala ng
Tagaytay CHO sa mga
pasyente na huwag ipamahagi ang pansariling gamot lalo na kung
walang pahintulot ng
doktor. Para sa kumpletong listahan ng mga
gamot, bisitahin lamang ang official Facebook page ng Tagaytay
City Health Office