Laguna 3-year Agricultural DevelopmentProgram, kasalukuyang binubuo

STA. CRUZ, Laguna – Nang maisa-pinal ng Kagawaran ng Agrikultura ang tatlong taong Agriculture Development Plan Program para maiangat ang produksyon ng pagkain sa bansa ay agad itong sinuportahan ni Gobernador Ramil Hernandez katuwang ang Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAG) na pinamumunuan ni Mr.  Marlon Tobias.

Kaugnay nito ay isang pagpupulong ang ginanap sa Laguna Cultural Center sabayang noong Mayo 10, 2023. Dito isinagawa ang Consultative Workshop on Crafting a 3-year Agricultural Development Program 2023-2026 para sa Laguna na dinaluhan ng mga magsasaka at mangingisda mula sa bayan ng Santa Cruz, Pila, Lumban, Pagsanjan, Kalayaan at Paete.

Inilatag ditto ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka at mga posibleng solusyon sa mga ito, at nagbigay ng mensahesi Gob. Ramil kung paano tinutugunan ang pangangailangan sa programa ng agrikultura, at kung paano nito nilagyan ng pondo ang bawat programa.

Sakabuuan, layon ng programa na maiangat at maitaguyod ang isang produktibong programa para sa agrikultura, partikular sa bigas, gulay, mataas na presyo ng ani at pananim, at sa hayop tulad ng manok, baboy at sa pangisdaan.

Patuloy na isinasagawa ang mga consultative workshops sa iba pang mga bayan upang mabuo ang 3-year Agricultural Development Program ng lalawigan ng Laguna.

(J. Coroza, photo by Jun Sapungan/laguna PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

1 Minute
Provincial News
𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐜𝐚𝐊𝐊𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐞𝐧𝐠𝐚𝐠𝐞𝐊𝐞𝐧𝐭 𝐢𝐧 𝐂𝐚𝐯𝐢𝐭𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲
3 Minutes
National News
SSS responds to economic challenges with expanded relief programs, ₱60B in support for members and pensioners
1 Minute
Provincial News
𝐄𝐋𝐀𝐃 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐬𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐧𝐞𝐞𝐝𝐬 𝐯𝐢𝐬𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐚𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐚𝐯𝐞𝐫𝐧𝐊𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐟 𝐂𝐚𝐯𝐢𝐭𝐞
3 Minutes
Provincial News
𝐂𝐚𝐯𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐀𝐢𝐜𝐀𝐬 𝐚𝐟𝐟, 𝐞𝐱𝐩𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐭𝐚 𝐞𝐬𝐬𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬