STA. CRUZ, Laguna – Nang maisa-pinal ng Kagawaran ng Agrikultura ang tatlong taong Agriculture Development Plan Program para maiangat ang produksyon ng pagkain sa bansa ay agad itong sinuportahan ni Gobernador Ramil Hernandez katuwang ang Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAG) na pinamumunuan ni Mr. Marlon Tobias.
Kaugnay nito ay isang pagpupulong ang ginanap sa Laguna Cultural Center sabayang noong Mayo 10, 2023. Dito isinagawa ang Consultative Workshop on Crafting a 3-year Agricultural Development Program 2023-2026 para sa Laguna na dinaluhan ng mga magsasaka at mangingisda mula sa bayan ng Santa Cruz, Pila, Lumban, Pagsanjan, Kalayaan at Paete.
Inilatag ditto ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka at mga posibleng solusyon sa mga ito, at nagbigay ng mensahesi Gob. Ramil kung paano tinutugunan ang pangangailangan sa programa ng agrikultura, at kung paano nito nilagyan ng pondo ang bawat programa.
Sakabuuan, layon ng programa na maiangat at maitaguyod ang isang produktibong programa para sa agrikultura, partikular sa bigas, gulay, mataas na presyo ng ani at pananim, at sa hayop tulad ng manok, baboy at sa pangisdaan.
Patuloy na isinasagawa ang mga consultative workshops sa iba pang mga bayan upang mabuo ang 3-year Agricultural Development Program ng lalawigan ng Laguna.
(J. Coroza, photo by Jun Sapungan/laguna PIO)