Sa pamamagitan ng DSWD Food Packs, nakapaghatid tayo ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa bagyo at habagat—kabilang dito ang ating mga construction workers, street sweepers, riders, volunteers, at iba pang pansamantalang nawalan ng pagkakakitaan.
Maraming salamat kay 7th District Representative Ping Remulla sa inyong walang-sawang suporta at malasakit sa aming lungsod at sa lahat ng mga Treceño.
Nakasama din natin sa pamamahagi sina BM Aldrin Anacan, Vice Mayor Bobby Montehermoso at mga miyembro ng 12th Sangguniang Panglunsod.
