Apat na bigtime drug pushers sa probinsya
ng Cavite, Laguna, at
Rizal ang nahuli ng mga
operatiba ng anti-narcotics division sa magkakaibang operasyon nitong
Sabado, September 30,
2023.
Higit sa P939,000
ang sama-samang halaga ng mga nahuling droga mula kina Christian
Reganit, na nahuli sa
Brgy. Sta. Cruz, Antipolo,
Rizal; Jonna Amparado,
sa Brgy. Parian, Calamba,
Laguna; at William dela
Rosa, sa Brgy. Punta 1,
Tanza, Cavite.
Nahuli rin ng parehas na grupo ng mga
operatiba ang isang Dagandar Ontawar sa Brgy.
Bucal sa Calamba, Laguna, kung saan nakuhanan
sa kanya ang dagdag na
P84,728 halaga ng shabu.
Ayon sa mga awtoridad, kinilala bilang
High-Value Individuals
sa local drug trade sina
Reganit, Dela Rosa at Onmtawar, habang si Amparado naman ay isa lamang street-level pusher.
(GOCAVITE)