๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Š๐ข๐œ๐ค-๐Ž๐Ÿ๐Ÿ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”

Tatlong linggo bago ang balik-eskwela ng mga mag-aaral, matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng City of Imus Schools Division Office (SDO) ang 2026 Brigada Eskwela Kick-Off noong Huwebes, Mayo 21, 2026, sa Imus Youth Development Center, Imus Pilot Elementary School (ES).

Taunang isinasagawa ang Brigada Eskwela upang maihanda ang mga pampublikong paaralan bago magsimula ang muling pagpasok sa klase ng mga estudyante.

Bilang bahagi ng layuning makasabay sa makabagong teknolohiya ang mga bata, pormal na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ang 100 e-learning interactive display sa City of Imus SDO na magagamit ng libo-libong kindergarten students.

Iginawad naman sa mga nagwaging mag-aaral at kanilang coach sa 2025 Regional Schools Press Conference (RSPC) ang cash incentives bilang pagkilala sa kanilang husay at galing sa larangan ng pamamahayag.

Personal ding pinangunahan nina City Mayor Alex โ€œAAโ€ L. Advincula, Officer-in-Charge โ€“ Schools Division Superintendent Lito Palomar, at Imus Pilot ES Principal Dr. Divina Narvaez ang ceremonial ribbon cutting and blessing ng conference hall sa nasabing paaralan.

Nakiisa rin sa pagsisimula ng brigade sina Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal AJ Sapitan Jr., Konsehal Atty. Wency Lara, Sangguniang Kabataan Federation President Glian Ilagan, dating konsehal Tito Monzon, Supervising Administrative Officer IV Paeng Alarcon bilang kinatawan ni Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga opisyal ng SDO, at kaguruan na nagtulong-tulong na bigyan ng bagong-bihis ang Imus Pilot ES.

Isasagawa ang malawakang Brigada Eskwela sa darating na Hunyo 1โ€“5, na may temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ€

#LungsodNgImus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *