Mula sa inisyatibo ng Pamahalaang Panglalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Jonvic Remulla naisakatuparan ang proyektong pagbibigay ng mga Phone Tablet tulong sa ating mga Benepisyaryo ng Sulong Dunong Program kasama ang mga Student Learners with Disabilities sa Naic para sa kanilang mas maayos pag-aaral.
Pinangunahan ni Mayor Raffy Dualan ang pamamahagi ng mga Phone Tablets kasama sila Mr. Geri Olaes Executive Assistant V kahalili ang ilang Officers mula Provincial Government, Cristina P. Ilagan ating MSWD Officer at mga Presidente ng iba’t-ibang PWD Federation mula sa Bayan ng Naic.
Kasabay nito ay ang pagbibigay din ng karagdagang Educational Assistance para sa mga bata upang lubos na makatulong sa kanilang pag-aaral.
Ang Sulong Dunong ay isang programa ng pamahalaan kung saan umaalalay sa mga Person with Disabilities nating kababayan para tulungan silang Mabuhay na kagaya ng isang Normal.(Municipality of Naic)