Nasa P4 b i l y o n h a l a g a ng hini- N hinalang ibat ibat Uri ng droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City, Cavite Ang mga naturang droga ay kabilang sa mga nakumpiskang drug evidence sa mga drug operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units. Sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 700 kilograms na nagkakahalaga ng P4,154, 802,996.83 bilyon kabilang ang 601,447,0994 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P4,089,840.92; 110,694,1323 gramo ng marijuana na
nagkakahalaga ng P13,283,295.88; 6,2800 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng P33,284.00; 12,974.999 gramo ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P51,534,890.70; 32,5200 gramo ng Meth +Ephedrine na nagkakahalaga ng P111,218.40; 343,4410 gramo ng Codeine; 0.0200 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P6.91; 0.3500 gramo ng Phentermine na nagkakahalaga ng P25.03 at 177.500 milliliters na Liquid Marijuana Ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init nito. Ang pagsira o pagtunaw sa mga droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. Pinangunahan ng mga representatives mula sa Department of Justice (DOJ); Department of Interior and Local Government (DILG);SOCO mga Local Officias mula sa Brgy Aguado, Cavite PNP Trece Martires City, at iba pang Law Enforcement Agencies at non-government organization (NGO). (MARGIE BAUTISTA)