Nag-abot ng tulong si Cong Lani Revilla  sa mga nasunugan sa Barangay Bayanan.

Nag-abot ng tulong si Cong Lani Revilla  sa mga nasunugan sa Barangay Bayanan. Lagpas tatlumpung pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog, at karamihan sa kanila ay nasa Covered Court, na nagsisilbing evacuation center sa ngayon. Ang ating pasasalamat sa mabilisang aksyon ng ating City Government at sa Department of Social Welfare and Development, pati na rin kay Bgy. Captain Alfie Gawaran.

Nandito lamang po ang inyong Ate Lani sa panahon ng pangangailangan, at lagi po nating pagsisikapang matulungan ang ating mga mahal na Bacooreño, anuman ang pagsubok na hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *