ISKOLAR NG BAYAN SCHOLARSHIP PROGRAM PARA SA MGA KOLEHIYO NG UNANG DISTRITO

Noong nakaraang taon ay nakatapos tayong bigyan ng Scholarship Program ang 15,000 college students sa ating distrito ngunit mayroon pa ding ilang Kabataang CaviteΓ±o ang hindi nabigyan. Kaya naman, ngayong araw na ito, karagdagang 1,000 College Students ang ating muling ipinasok bilang mga Iskolar ng Bayan.

Dinaluhan ni Agimat Partylist Representative, Cong Bryan Revilla ang pamamahagi ng ating educational assistance para maipakita at maramdaman ng ating mga kababayan sa Unang Distrito na dalawang Congressman ang mayroon sila ngayon, at syempre nandyan din si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. na laging tumutugon sa ating mga pangangailangan.

Magpapatuloy ang ating Iskolar ng Bayan pagtapos ng Mahal na Araw, kaya antabayanan lamang ang mga susunod na schedule. Salamat po!(JOLO REVILLA FB PAGE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *