Nakiisa si Mayor Alex Advincula sa ginanap na pagpupulong ng mga alkalde sa bawat Local Government Units (LGU) dito sa ating lalawigan sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla. Tinalakay po sa nasabing pagpupulong ang Provincial Solid Waste Management at ang resolusyon sa pagpapatayo ng sanitary landfill sa Cavite na magagamit ng mga LGU ng ating lalawigan.