Dumalo sa 1st Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board si Mayor Dr. Dahlia A. Loyola na ginanap sa The Bayleaf Hotel, General Trias, Cavite sa pangangasiwa ni Governor Jonvic Remulla. Dito ay ating nakasama ang mga kapwa nating mga Punong Bayan at mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Offices sa Probinsya ng Cavite. Ito po ay isang mahalagang pagpupulong upang ating mapabuti ang solid waste management system hindi lamang sa ating Bayan, kundi sa kabuuan ng Cavite. Aktibo po nating pangungunahan ang mga programang ito para mapaganda pa ang ating kapaligiran.