Naagsa sagawa ng man hunt operation ang Cavite Police sa dalawang kalalakihan na nangholdap at pumatay sa isang Indian national sa Brgy Real Bacoor City, Cavite Ayon sa report, Kinilala ang biktima na si Jatinder Pal Singh, 38, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na tumakas matapos ang insidente. Lumalabas sa ginawang imbestigasyon ni CPL I Marco Romero Cupo ng Bacoor CPS dakong alas-11:00 ng umaga nang naningil ng kanyang mga pautuang ang biktima sa Arevalo compound, Brgy Real 1, Bacoor City, Cavite Nilapitan umano ito ng mga suspek, at kaagad na nagdeklara ng holdap at tinangay ang pera na kanyang mga nakolekta. Hindi pa nasiyahan ang mga suspek, at binaril pa ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan. Base kay PLt Colonel Ruther Saquilayan, Hepe ng Bacoor City Police, inaalam pa nila kung magkano ang halaga ng natangay na pera habangnagsasagawa pa sila ng hot pursuit operation para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. (MARGIE BAUTISTA)