Mahigit 300 negosyante ang dumalo sa Business Conference 2026 ng Office of the Local Economic Development and Investment Promotions Officer (LEDIPO), sa pangunguna ni LEDIPO Marie Jenneth Vilbar-Lungcay, nitong Huwebes, Hulyo 30, 2026, sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
Tampok sa conference ang negosyante at business speaker na si RJ Ledesma, kung saan kanyang ibinahagi ang mga praktikal na kaalaman sa pagnenegosyo, mula sa pagbuo ng makabuluhang business models hanggang sa tamang pag-iisip ng isang negosyante.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina City Mayor Alex โAAโ L. Advincula, Konsehal Mark Villanueva, at City Administrator Lauro D. Monzon, bilang pagpapakita ng suporta sa taunang programa ng OLEDIPO.
Nakiisa rin sa conference sina Cebuana Lhuillier Finance Corporation Business Development Head Maria Rosario Cantiller at Market Development and Product Solutions Division Head Anna Carmina D. Villegas.
Ayon sa OLEDIPO, layunin ng Business Conference na itaguyod ang pagnenegosyong nakabatay sa layunin at pananagutan sa lipunan na nagbibigay-inspirasyon sa mga negosyante na isama ang pangmatagalang responsibilidad sa lipunan at wastong kasanayan ng mga negosyo para sa pangmatagalan nilang paglago.
