Kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga nakapasa sa 2025 Good Financial Housekeeping na inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cavite nitong Sabado, Hunyo 13, 2026.
Ang parangal ay patunay sa maayos at tapat na pamamahala sa pananalapi ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng katiyakan sa tamang paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mamamayan.
Ang pagkilalang ito rin ay sumasalamin sa dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagpapatupad ng mahusay, malinaw, at makataong pamamahala.
