OCULAR VISIT SA GEAMH: PONDO INILAAN!

Dinig na dinig po ng Pamahalaang Panlalawigan ang inyong mga saloobin. Ang GEAMH ay ospital ng BUONG CAVITE kaya naman matapos ang maingat at sistematikong pag paplano at maka siguradong may nakalaan ng pondo ang ating Provincial Government, nag actual inspection at ocular visit na ang ating Governor Abeng Remulla sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) at sinamahan naman ng inyong lingkod.

Para sa kaalaman ng lahat, sa taong ito ay naglaan ang Provincial Government ng 300 MILYON para sa agarang pag papatayo ng mga panibagong istraktura, kagamitan at mga pasilidad ng GEAMH at 200 MILYON naman ang inilaan na budget para sa Cavite Center for Mental Health. Ito ay unang hakbang pa lamang at inaasahang madadagdagan pa para sa kanilang Phase 2 at Phase 3 kung kinakailangan.

Sa masusing pag paplano at sa halaga ng pondong ilalaan dito, tiyak na makatutulong ito sa pagpapaganda ng ating public hospital, pag papabilis ng serbisyo kasama narin ang mga karagdagang kawani kung kinakailangan. Magkakaroon dito ng sapat na kagamitan, kwarto, mga gamot, at mas de-kalidad na pagkalinga sa bawat Caviteรฑong lalapit sa ospital para sa serbisyong medikal.

Muli, maraming salamat po Gov. Abeng at sa lahat ng taxpayers na magiging susi upang maisakatuparan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *