Bagong Sentro ng Kasanayan para sa mga Calambeño | Calamba Manpower Training Center Groundbreaking Ceremony sa Brgy. Milagrosa

Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Calamba Manpower Training Center sa Barangay Milagrosa—isang mahalagang hakbang upang mas mapalawak ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan ng ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba na makapagbigay ng de-kalidad na training at skills development programs na tutugon sa pangangailangan ng industriya at maghahanda sa ating workforce para sa mas matatag na kinabukasan.

Patuloy nating pinapanday ang kaalaman at kakayahan ng bawat Calambeño, dahil naniniwala tayo na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa pagbibigay ng sapat na oportunidad para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *