Lemery Dialysis Center Opisyal nang bukas. Nitong Marso 8,2023 ginanap ang Launching at Motorcade sa bayan ng lemery upang ipagbigay alam sa publiko na ang LEMERY DIALYSIS CENTER na matatagpuan sa Brgy. District IV at handa nang makapalingkod para sa usaping Medikal nang Dialysis. Isa ito sa masasabing pinaka-magandang proyekto para sa taong 2023 ni Mayor Ian Kenneth Alilio, Ito ay ang kanyang proyekto nang siya ay nangsimula pa lamang umupo bilang Alkalde nang bayan ng Lemery na ngayon ay nakatayo na at may kakayahan ng magbigay serbisyo sa mga taga rito. Ang pangunahing layunin ni Mayor Ian ay matulungan at matugunan ang hinahing ng kanyang kapwa Lemereรฑo kaya naman wala siyang sinayang na sandili upang ito ay maisakatuparan at maipatayo na ngayon at makakapaglingkod na sa publiko. Taos-puso nagpapasalamat si Mayor Ian kina Former Congw. Eileen Buhain bilang kinatawan ni Cong. Eric Buhain, Mayor Oscarlito Hernandez ng bayan ng San Luis, Mun. Admin Byen Mayuga kinatawan ni Mayor Lyndon Bruce, EA Aaron Mercado kinatawan ni Mayor Pong Mercado ng bayan ng Taal, Kon. Christopher Barrion kinatawan ni Mayor Lester De Sagun ng bayan ng San Nicolas sa pagdalo sa nasabing programa at sa buong kawani ng ahensiya ng lokal na Pamahalaang ng Lemeryโฆika nga ni Mayor Ian sasabay Iangat ang antas ng kalusugan ng kanyang mga kababayan. Photo by: Kuya Ian Fb page(by: Michelle Mendoza/Mark Cruz)