Nakiisa ang lahat sa isinagawang “Fire Prevention Month Kick off Ceremony and Motorcade 2023” ng Bureau of Fire Protection Quezon City Fire District sa ganap na alas kwatro ng umaga kamakailan na ginanap sa Risen Garden Quezon City Hall Compound.
Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga naturang opisyal na sina Kgg. ALBERTO H. KHIMPO Assistant City Administrator for Operations, BFP NCR Regional Director CSUPT NAHUM B TARROZA, DSC Assistant Regional Director for Administrator SSUPT RONEL M MALTEZO, DSC Assitant Regional Director for Operations SSUPT RODRIGO N REYES, DSC at ng QCFD District Fire Marshal SSUPT ARISTOTLE B BAÑAGA. Ito rin ay dinaluhan ng mahigit sa limampung fire truck na binubuo ng iba’t ibang ahensya kasama ng BFP, Brgy Brigade at Fire Volunteers.
Sa isa pang tagpo naman ay magkakasama sa motorcade ang mga BFP Fire trucks at Volunteer Engines na tumungo sa ibat ibang parte ng Quezon City upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng fire prevention month 2023
Taos puso din ang pasasalamat ng buong kawanihan ng pamatay sunog sa tuloy tuloy na pagsuporta ng ating mahal na Mayora Joy Belmonte sa naganap na selebrasyon na ito. Ang naturang okasyon ay ginagawa taon-taon upang maipaaalala at maipabatid sa publiko kung paano maiiwasan ang sunog upang buhay at ari-arian ay mailigtas at makapamuhay ng maayus at matiwasay sa bawat pamayanan. (Photobfp/Renante Arjay Jarobel/Marjorie Mahusay)