Pormal nang naisalin ng Philippine Statistics Region IV-A sa lokal na pamahalaan ng Magallanes ang mga resulta ng 2022 Community-Based Monitoring System (CBMS) noong Disyembre 27, 2022. Sa pangunguna nina Chief Statistical Specialist Benigno Perido at Magallanes Municipal Mayor Jasmin Maligaya-Bautista, sinaksihan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga bumubuo ng PSA IV-A ang pagsasalin ng CBMS System Data sa lokal na pamahalaan. Ang Community-Based Management System ay isang technology-based data collection, processing, and validating system na kumakalap ng ibaโt ibang datos mula sa mga komunidad. Ang mga ito gagamitin para sa pagpa-plano, pagpapatupad, at pag-monitor ng mga mga economic programs ng pamahalaan. | via Philippine Statistics Authority – Calabarzon