APAT ang kumpir – madongng patay
habang labin-isa na
mga indibidwal na
pawang magkakamag-anak ang kasalukuyang ginagamot
sa ospital nang sumalpok ang kanilang
sasakyan na Mitsubishi L300 sa isang
punongkahoy sa gilid
ng kalsada makaraan
umanong nakaidlid
ang driver kahabaan
ng Governors Drive
Brgy Sabang Naic,
Cavite.
Base sa report
isinugod sa General Emilio Aguinaldo
Hospital ang mga
biktima na si Jaime
Vasquez y Alibanto,
Ralph Noel Vasquez
y Almoquera, Norlie
Vasquez Brocales,
Lea Vasquez y Alibanto, Bernardo Tano y
Alangco, Ariel Rivera
y lababdero, Geronimo Canaway y dela
Cruz, Precillano Pantebry Latoria, jaime
Vasquez y Alibanto
, Noel Vasquez y Ranon, Jamin Vasquez
y Brocales, Fernado ranon y Francisco, Sanito Brocales,
Jackie Vasquez y
Alibanto, subalit
idineklara ang patay
sina Jaime, Ralph Noel,Norlie at Lea.
Ayon sa ulat ni
PCpl Robinson M
Tercia ng Naic Police Station, dakong
alas-4:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa
kahabaan ng Governor’s Drive sakop ng
Brgy Sabang, Naic,
Cavite kung saan minamaneho ni Jether
Ayuban y Tatel, 27
ng Pambulan, Garchitorena Camarines
Sur ang isang kulay
puti na Mitsubishi
L300 na may temporary na plate number
na Y2J856 at sakay
nito ang 14 na pasahero.
Pero pagsapit sa
pinangyarihan ng insidente nang sumalpok ang minamanehong sasakyan sa
isang puno sa gilid ng
kalsada.
Napag alaman,
nakaidlip umano ang
driver nito kaya hindi nito namalayan na
bumangga na ito sa
puno dahilan ng pagkakasugat ng lahat
kabilang ang kanyang
mga pasahero subalit apat sa kanila ay
agad namatay.
MARGIE BAUTISTA
DRIVER NG L300 VAN NAKAIDLIP 4 PATAY, 11 SUGATAN
