Isang incumbent Barangay Chairman ang sugatan makaraang laslasin sa baba ng kapartido at kasama nito sa pagtakbo bilang Barangay Councilor na nakaalitan dahil sa resulta sa nakaraang BSK election sa Cavite City
Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Cavite Medical Center ang biktimang si elias ‘Rodel’, 51, Incumbent Brgy Chairman ng Brgy dalahican, Cavite City dahil sa laslas ng kutsilyo sa kaliwang baba.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alias ‘Ateng’, 73 incumbent Barangay Councilor sa Cavite City.
Batay sa report ni PSSG Benson Cauntay ng Cavite CPS, ang biktima at suspek ay magkapartido at kapwa tumakbo bilang Barangay Councilor sa Cavite City noong nakaraang October 30,2023 BSK Election.
Nagkaroon umano ng alitan ang dalawa makaraang magkita sa Arnaldo 2 St., Barangay 1 Dalahican, Cavite dahil sa resulta umano noong nakaraang halalan sa nasabing lugar hanggang sa naglabas ng kutsilyo ang suspek at nilaslas ang kaliwang babae ng biktima.
Isinugod ang biktima sa ospital kung saan kasalukuyang nagpapagaling.MARGIE BAUTISTA
