Over dozed umano sa droga ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng isang babaeng natagpuang hubot hubad ng natagpuan at pagkakadiskubre ng mahigit P8 milyong halaga ng droga sa isang bahay sa Phirst Park Subd. Brgy Tanauan Tanza, Cavite. Ayon Kay PMajor Dennis Villanueva, hepe ng Tanza MPS , lumlabas na over-dozed ang dahilan ng pagkamatay ng babaeng natagpuan sa Block 27 Lot 4 Phrist Park Subd. ng nasabing lugar. “Wala tayong nakitang anumang foul play sa pagkamatay ng biktima kaya tinitignan natin ang overdose sa droga” bagama’t hinihintay pa nila ang resulta ng medico legal saad ni Maj Villanueva. Napag alaman rin na Isa umanong “pick up” girl ang nasabing babae na dinala lamang ng Nigerian national na umuupa sa nasabing bahay at madalas umanong may dinadalang iba’t-ibang babae ang dayuhan sa inuupahang bahay batay sa kanilang impormasyon mula sa mga kapitbahay nito. Ginalugad din ng pulisya ang ilang clubs sa karatig Lungsod at bayan na posibleng nakakakilala sa biktima na nasa 30-35 anyos ang edad. Nagsasagawa naman ang pulisya ng manhunt operation sa Nigerian national na nangungupahan sa nasabing bahay na responsable sa nakuhang P8,160,000.00 Matatandaan na Linggo ng gabi nang bumulaga sa mga operatiba ng Tanza police ang bangkay ng isang hubo’t-hubad na babae sa ikalawang palapag ng bahay. Sa isinagsagawang inspeksyon sa Isa pang kuwarto, tumambad din ang nagkalat na damit ng Nigerian national at isang kahon na may laman na droga na tumitimbang ng 1.2 kilogram na may street value na P8,1600,000.00.