2 MENOR DE EDAD NA ANAK TINADTAD NGSAKSAK NG SARILING INA DAHIL SA STRESS

Dahil sa umanoy hindi nakayanang problema, isang ina ang umitil sa SARILING buhay ng kanyang dalawang Menor de edad na anak at saka tinangkang mag pakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg nito gamit ang Isang Cutter sa Brgy Pacheco, Magallanes ,Cavite. Kinilala ang suspek na si Clarisse Tapang y Romalte, 26, may live in partner ng Sitio Calaanan Brgy. Pacheco, Magallanes, Cavite, Nasa edad 3 at 4 na taong gulang ang dalawang biktima na anak ng suspek na nagtamo ng mga SAKSAK sa katawan na naging sanhi ng ikinamatay ng mga Ito. Sa ulat ni Police Corporal Kervi G. Lopez ng Magallanes Municipal Police Station dakong alas-9:40 ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang Magallanes police hinggil sa insidente sa Sitio Kalaanan ng nasabing lugar. Sa kanilang pagresponde, naabutan ang magkapatid na bata na wala ng buhay matapos patayin ng sariling ina. Matapos mapatay ng suspek ang kanyang mga anak, tinangka naman nitong nagpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg gamit ang isang cutter. Sinasabing naburyong umano ang suspek dahil sa kabi-kabila umano nitong pagkakautang bagamaโ€™t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen. MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜