K ang Seventh-Day Adventist
Church, idinaos ang
“Mga Bata sa Barangay . . . Kuwentuhan
na!” noong Sabado,
Hulyo 22, 2023, sa
Brgy. Maharlika.
Pinakinggan ng
62 bata ang kuwentong “Elijah and the
Time of No Rain” na
isinalaysay ni Ms.
Marina Mandapat,
Children’s Ministry Leader ng Seventh-Day Adventist
Church at guro sa
Gen. Emilio Aguinaldo National High
School.
Nakasama rin
dito si Kapitan Gina
Delos Reyes-Hynson
at iba pang opisyal
ng Brgy. Maharlika.
Nag-donate din
ng isang set ng librong “My Bible
Friends” si Mr. Harry Bing Esmaya ng
Seventh Day Adventist Church.
Ang “Mga Bata
sa Barangay . . .
Kuwentuhan na!”
ay isa sa mga bagong programa ng
Public Library upang mas mailapit
sa mga batang 5
hanggang 12 taong
gulang ang mga kuwentong tiyak na
mapagkukunan ng
aral.