Pinangunahan ng Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) ang “AAgapay sa Empleyadong Imuseño: Building Connections with Labor Unions” nitong Miyerkoles, Hunyo 21, 2023, sa Imus City Government Center.
Katuwang ang Peace and Order and Public Safety (POPS), PNP Imus, at DOLE, naganap ang masinsinang usapan tungkol sa mga pangangailangan at hinaing ng registered labor unions at employees’ association ng mga negosyo sa lungsod.
Dinaluhan din ito ng Human Resource practitioners mula sa mga kumpanya sa Imus, kung saan tinalakay rin ang mga karapatan ng mga manggagawa sa ilalim ng Labor Code of the Philippines.
Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang kaayusan sa mga negosyo at ang kaligtasan ng mga manggagawa.
(Photos by: Imus CIO/ Imus City Tourism)