OFFICER NG BUCOR,SUGATAN SA AKSIDENTE

SUGATAN ang isang Admin Officer ng OFFICER NG BUCOR,SUGATAN SA AKSIDENTE Bureau of Correction (Bucor) nangnakasalpukan ng kanyang motorsiklo ang isang Nissan Navara na minamaneho ng isang Engineer sa Bacoor City, Cavite Ayon sa report, Ginagamot ngayon sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktima na si Maria Loresca y Iglesias, Admin Officer ng BuCor at residente ng #488 Purok 4, Cupang Muntinlupa City dahil sa tinamong sugat sa katawan. Kinilala naman ang driver ng kulay Earth Brown na Nissan Navara na may plate number na NCU 5102 na si John Kevin Camba y Carino, 25, isang Field Engineer ng Blk 7, lot 18, Molino Homes 2, Brgy Salitran 3, Dasmarinas City Cavite. Batay sa ulat ni PSMS Roberto Lacasa ng Bacoor CPS Kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Daang Hari Road, Bacoor City, Cavite, ang biktima habang minamaneho ang isang motorsiklo na Yamaha Mio Gear at nasa center lane habang isang Nissan Navara naman ang minamaneho ni Camba na nasa inner lane. Subalit pagsapit sa Barangay Molino 4nang dakong alas 6:30 ng gabi nasabing Lungsod nang nagbanggan ang dalawang sasakyan dahilan ng pagkakasugat ng biktima habang pagkasira sa ilang bahagi ng sasakyan ni Camba. (MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *