Nasa P 3 0 0 K halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa dalawang tulak at nasa listahan ng High Value Individaul (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy Palico IV, Imus City.Cavite Sa report , Kinilala ang mga suspek na si Luisito Dominguez y Malinis; 56 na taong gulabg ng Brgy san Nicolas, Bacoor City, Cavite at Marjay Dominguez y Espiritu, 33 -anyos ng Brgy Palico IV, ng nasabing lugar. Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang drug operatives ng Imus City Police sa Brgy Palico IV, kung saan naaresto ang dalawa na kapwa nasa listahan ng High Value Individual (HVI). Nasamsam sa kanila ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000, sling bag at pouch at buy bust money. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 in relation to Sec.26 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 ang mga suspek. (MARGIE BAUTISTA)
