Ang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan ay isa sa aking pangunahing layunin at isang malaking karangalan na kayo po ay aking mapaglingkuran. Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kami po ay naghatid ng tulong pinansyal, medikal, at burial sa mga residente ng Carmona, Silang, at GMA. Patuloy po ang aking pakikipagtulungan sa DSWD at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang makahanap ng mga paraan at mapagkukunan ng pondo para sa ating distrito.