Isang 60anyos na lola na hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individual (HVI) ang naaresto sa buybust operation sa Brgy Datu Esmael Dasmarinas City, Cavite. Kinilala ang suspek na Olimpia Benito, 66, may-asawa ng Blk 46 Lot 12 Brgy. Datu Esmael, DasmariƱas City, Cavite. Sa ulat ni Police Corporal Mamol Cunanan ng Dasmarinas City Police, dakong alas4:50 kamakalawa ng hapon i nang nagsagawa ng buy bust operation ang maga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmarinas City Police sa Brgy Datu Esmael, dasmarinas City Cavite na nagresulta sa pagka aresto sa suspek. Narekober sa lugar ang tinatayang 25 gramo ng hinihianalng shabu na may street value na P172,500; at buy bust money. Kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nakadetine sa Bacoor City Custodial Center. (MARGIE BAUTISTA)
LOLA SWAK SA BUYBUST
