Opisyal ng pinasinayaan ang bagong Municipal Hall ng Noveleta Cavite noong Lunes, March 17, 2025. Pinangunahan ni Noveleta Cavite Mayor Dino Chua at BM Davey Chua ang pagbabasbas sa gusali na naisakatuparan sa tulong ni Senator Bong Revilla at Congressman Jolo Revilla. Katuwang din sa proyekto si Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla.
Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal na tumulong sa pagsasakatuparan ng modernong gusali para sa mas maayos na paglilingkod sa mga mamamayan.