Buong puso kong ipinapaabot ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa Walk of Men for Women – VAW Free Unity Walk hindi lamang bilang mga indibidwal, kundi bilang isang komunidad na naninindigan laban sa karahasan at diskriminasyon.
Nakasama natin sa aktibidad na ito sina Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod, mga punong barangay sa pamumuno ni Liga ng mga Barangay President Abet Montehermoso, mga kawani sa pamumuno ng mga Department Heads at Division Heads at mga samahan mula sa ibaโt ibang sektor ng kababaihan. Gayundin ang mga miyembro ng MOVE-KaTrOPa-Trece Martires City Chapter at ng iba’t ibang komunidad. Ang inyong pakikilahok ay simbolo ng ating pangako:
Walang puwang ang dahas sa lipunang pantay ang respeto sa bawat isa.
Tunay na lakas ay nakikita sa pagtupad sa responsibilidad bilang katuwang sa pagbuo ng ligtas at malusog na pamayanan.
Sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (November 25 โ December 12, 2025), nais nating iparating ang mensaheng ito:
Ang pagtatapos ng karahasan ay hindi lamang usapin ng kababaihan kundi ng buong sangkatauhan.
Kailangan ang tinig, pagkilos, at suporta ng mga lalaki bilang katuwang, kapatid, ama, at kaibigan para maging ligtas at maayos ang ating komunidad.
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakasama natin sa kampanyang ito dahil:
โWalang Puwang ang Dahas sa Kalalakihang Tapat sa Kanilang Responsibilidad.โ
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag-asa!
MGBL
