Ugnayan sa Barangay: Bote Palit Bigas Program 2024

Ang Bote Palit Bigas Program 2024 ay

handog ng Pamahalaang Lungsod para sa mamamayang Treceño. Sinimulan ito sa Barangay Cabezas at Barangay Lallana, ang programang ito ay naglalayong turuan ang mga Treceño na maging mas responsable sa pagtatapon ng mga bote at plastic bottle. Sa halip na itapon kung saan-saan, hinihikayat ang mga residente na ipunin ang mga ito at ipalit sa bigas.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng lokal na pamahalaan para sa kalinisan at kapaligiran, na naglalayong bawasan ang basura sa mga komunidad at bigyan ng insentibo ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpalit ng mga recyclable materials sa pangunahing pangangailangan tulad ng bigas. Sa ganitong paraan, hindi lamang natutulungan ang kalikasan, kundi pati na rin ang mga pamilyang Treceño na nagiging bahagi ng solusyon sa problema ng basura.

Sa pamamagitan ng Bote Palit Bigas Program, nais ipakita ng Pamahalaang Lungsod na ang bawat maliit na hakbang patungo sa kalinisan ay may malaking epekto sa ating komunidad. Hinihikayat ang lahat na makibahagi sa programang ito para sa mas maayos, malinis, at maunlad na Trece Martires.

Abangan niyo po kami sa aming pag ikot sa inyong mga barangay.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag Asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

❤️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *