Matagumpay na isinagawa ng DOT Region IV-A ang TOPCOP seminar noong Agosto 5-8, 2025 sa Tagaytay City, katuwang ang PNP-CALABARZON, Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, at LGU Tagaytay.
Lumahok ang 50 tourist police mula sa iba’t ibang bayan sa Cavite upang sanayin sa seguridad, first aid, karapatang pantao, at tamang pakikitungo sa turista.
Binigyang-diin din ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) at nagsagawa ng open forum kasama ang tourism stakeholders.
Pinuri ni DOT IV-A Regional Director Marites Castro ang mga kalahok sa kanilang dedikasyon sa mas ligtas na turismo sa rehiyon.
