Tatlumpung (30) residente ng Balay Silangan Drug Reformation Center ang nagtapos sa holistic reformation program ng Biñan LGU ngayong araw, August 24, 2023.
Ang naturang programa ay naging matagumpay sa pangunguna at pagtutulungan ng City of Biñan Anti-Drug Abuse Council (CADAC).
Ayon kay Mayor Arman Dimaguila, ang pagbabago nila ay ‘di dapat nakaangkla sa takot kundi ay nakabase sa pag-asa. Payo rin niya ang baong pag-asa sa Diyos, mga mahal sa buhay at kanilang mga sarili.