Nasa kostodiya na ng Cavite PNP anguspek sa pagpatay sa graduating student ng De La Salle University (DLSU) na natagpuang patay sa loob ng isang dormitory sa Dasmarinas City,Cavite Ayon sa nakalap
na impormasyon naaresto na suspek na si Angelito Erlano y Lacerna, 39, binata ng Brgy San Nicolas 2, Dasmariรฑas City dakong alas -10:45 kahapon ng umaga sa Purok 4 Brgy Victoria Reyes, Dasmarinas City, Cavite. Ang pagkakaaresto kay Lacerna ay sa tulong ng Isang Confidential information na kanilang natanggap kung n saan ito ay nagtatago sa bahay ng kaibigan ng SUSPEK sa Brgy Victoria Reyes ng nasabing lugar. Sa pangunguna ni Police Major Alex Casio, Deputy Chief of Police ng Dasmarinas CPS.ay tinunton nila ang bahay ng kaibigan ng suspek kung saan ito pansamantalang tinutukoy at nagtatago hanggang sa maaresto. Matatandaan na dakong alas-4:40 Sabado ng hapon nang natagpuang patay ang biktimang si Queen Leanne Daguinsin, 22, isang Computer Science student ng DLSU, na may labin-apat na tama ng saksak sa kanyang katawan sa loob ng Rolisa Dormitory na matatagpuan sa Blk 6 Lot 5 Brgy Sta Fe, Dasmariรฑas City Cavite. Sinampahan na ang suspek ang kasong kasong Robbery with homicide.(MARGIE BAUTISTA)