Hinihinalang tinakpan
ng unan o sinaksl ang naging sanhi ng kamatayan ng Isang babae
nang natagpuan sa
kanyang higaan sa
loob ng kanilang tahanan sa Brgy Manggas 1 Alfonso, Cavite.
Ayon sa report ng
pulisya, Hinihinalang
may ilang oras ng patay ang biktima na si
Sharmaine Fabellon
Nicor, nasa gustong
gulang na residente
sa nasabing bayan.
Itinuturo umanong suspek ang
kanyang live-in
partner na si alyas
‘Rey’ na naaresto sa
isinagawang follow up
operation ng Alfonso
police.
Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng
umaga nang nadiskubre ang pagkamatay ng biktima ng
kanyang kapatid na
si Sherwin Nicor nang
pumasok siya sa bahay ng biktima ng
wala ng buhay.
Hindi naman binanggit sa report
kung paano namatay
ang biktima bagama’t
natagpuan lang ito
nakahiga sa kama at
wala ng buhay.
Nauna dito, bago
naganap ang krimen,
ay nagkaroon umano
ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng sus-
pek na live in partner
at biktima Nagbanta pa umano si alyas
‘Rey’ na papatayin
niya ito kung hihiwalayan siya ng biktima.
Tumakas si alyas
‘Rey’ matapos umano
isagawa ang krimen
subalit nadakip rin ito
sa isinagawang follow
up operation ng pulisya.
MARGIE BAUTISTA