Idinaos ngayong araw ang Signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Probinsya ng Cavite at ng Prime Dialysis Center sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 2542 Series of 2023 upang mag-set up at mag-operate ng libreng HEMODIALYSIS CENTER para sa mga mamamayan ng Cavite. Ito po ay dinaluhan ng inyong lingkod kasama sina Governor Jonvic Remulla, Congressman Roy M. Loyola, Board Member Aidel Belamide, Board Member Marcos Amutan, at ng mga kapwa nating Punong-Bayan na sina Mayor Maricel Torres at Mayor Kevin Anarna.
Ito ay naglalayong makapagbigay ng libreng serbisyo at hemodialysis treatment para sa mga pasyenteng taga-Cavite na nangangailangan nito. Hangad po natin na makapaghatid ng mura at accessible medical services para sa ating mga nasasakupang may karamdaman. Taos-pusong pasasalamat sa Prime Dialysis Center sa pangunguna ni Dr. Gjay L. Ordinal para sa makabuluhang programa na ito na tunay na makakatulong sa mga mamamayan ng Probinsya ng Cavite.