Pinagsasaksak ang isang 72- anyos na Senior Citizen makaraang manlaban ito nang pinagnakawan at tangkaig saksakin ng kapwa nito senior sa loob ng isang kilalang restaurant sa loob ng isang mall sa Brgy Tanzang Luma, Imus City, Cavite. Ginagamot ngayon sa Pilar Hospital ang biktima na si alyas Arnolfo , 72 ng Anabu 1-C, Imus City dahil sa tinamong saksak sa katawan.Arestado naman ang suspek na kinilalang si Manuel Jovillano y Pasupil, 63 ng Avillanoza St, Lucena City. Sa ulat, dakong alas 4:05 ng hapon ng naganap ang insidente sa loob ng Kuya J restaurant sa Robinsons Mall, Brgy Tanzang Luma, ng nasabing lungsod kung saan pumasok sa loob ng rest room ang biktima upang umihi. Sinundan siya ng suspek at tinangkang pagnakawan ang biktima subalit nagpumiglas ito at tinangkang lumaban subalit naglabas ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang matanda. Nabulabog ang mga security guard at crew sa mga kalabog sa loob ng rest room kaya sumugod ang mga ito na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakarekober ng kutsilyo. Agad namang isinugod sa ospital ang biktima habang ang suspek ay inturn over sa pulisya. Margie Bautista
SENIOR CITIZEN, PINAGNAKAWAN AT SINAKSAKNG KAPWA SENIOR CITIZEN SA LOOB NG MALL
