Bumisita lungsod ng Trece Martires si Senator Imee Marcos upang personal na iabot ang tulong pinansyal sa 1000 beneficiaries ng AICS program o Assistance to Individual/Families in Crisis Situation ng DSWD na ang mga Empowered Women of Trece ang pangunahing beneficiaries. Nagkaroon din po ng munting patimpalak para sa ating kababayan na mga buntis, nakatanggap din ang lahat ng lumahok ng grocery package. Pinangunahan din po niya ang dayalogo sa Enhanced Kadiwa Financial Grant beneficiaries mula sa iba’t-ibang bayan sa Cavite. Naging mainit ang ating pagtanggap kay Sen. Imee Marcos sa kanyang pagbisita sa Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires, kasama natin sina Vice Mayor Bobby Montehermoso, ang bumubuo ng 11th Sangguniang Panlungsod, mga department heads at division chiefs, at ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan. Lubos na pasasalamat, Sen. Imee Marcos sa inyong ipinagkaloob na tulong para sa mamamayang Treceรฑo