Sangguniang Panlungsod ng Bacoor, binigyang pagkilala ng DILG

Nasungkit ng Sangguniang Panlungsod ng Bacoor ang unang gantimpala sa 2023 Local Legislative Award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) – Cavite Province.

Dahil dito, nominado na ang lungsod sa Regional Local Legislative Awards kung saan nakamit ng lalawigan ang Highest Ranking.

Sa social media naman binigyang pagbati ni Mayor Strike Revilla ang tagumpay ng mga lokal na mambabatas, gayundin ang pasasalamat para sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa lungsod.

“Lubos akong nagpapasalamat sa inyong dedikasyon, serbisyo at pagmamahal sa ating Lungsod. Proud na proud kami sa inyong lahat! Nawa’y biyayaan pa ang ating mahal na Lungsod ng ating maykapal ng talino, dagdag na husay at galing upang matugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *