Dead on arrival ang isang sanggol nang du- mating ito sa Ospital ng Imus nitong Lunes ng madaling araw matapos mapabayaan ng mga umampon dito. Ayon sa mga awtoridad, nakitaan ito ng mga sugat at pasa sa pribadong parte ng katawan na dulot diumano ng sakit sa bituka at kapabayaan sa pagpalit ng diapers pati na malnutrition. Sa pamamagitan ng autopsy, natagpuan rin na “intestinal obstruction secondary to volvulus” ang ikinamatay ng bata—hindi ito binugbog o pinahirapan, bagkus ay maltreatment dahil hindi nabigyan ng tamang pag-alaga. Ayon sa pagsusuri, ipinaampon ang sanggol sa guardian nito matapos ipanganak sa loob ng kulungan ng nanay nito na may kasong may kaugnayan sa ilegal na droga—inaresto ang guardian nito ng mga awtoridad matapos mapag-alamang pinabayaan nito ang bata. Depensa ng guardian, wala raw ito sa bahay noong nagkasakit ang bata at giit pa nito’y inaalagaan naman daw nang maayos ang sanggol. Nahaharap ngayon ang guardian sa kasong paglabag sa section 3 at 4 ng Republic Act 7610 o “An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination, and for other Purposes.” Pinapaalalahanan ng mga awtoridad na alagaan ang mga inaampong bata nang may buong pagmamahal at pansin nang hindi na maulit ang mga gantong kaso. (go cavite)
Sanggol, patay dahil sa maltreatment sa Cavite
