Plano ng Philippine General Hospital (PGH) na makapagtayo ng sangay nito sa lungsod ng Carmona upang mas mailapit pa ang mga serbisyo ng kanilang pagamutan sa lalawigan.
Noong Biyernes, Hunyo 7, nakipagpulong si Cavite Fifth District Representative, Atty. Roy Loyola, kina Gobernador Jonvic Remulla at mga kinatawan ng PGH sa pangunguna ni UP-PGH Presidente Angelo Jimenez. Layon nitong isapinal ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatayo ng PGH City Carmona.
Oras na matapos ang konstruksyon nito, ang PGH City of Carmona ang unang branch ng nasabing pagamutan. Inaasahang mababawasan nito ang case load ng PGH Manila at makakatulong sa healthcareinfrastructure sa rehiyon.
Pinasinayaan ang PGH noong Setyembre 1910, alinsunod sa Act No. 1688 ng Philippine Commission. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking tertiary government hospital sa bansa kung saan mahigit 600,000 pasyente ang nagpapagamot taun-taon. | via Atty. Roy M. Loyola